Respeto at Pang-unawa sa bawat Ina
Open letter to KC Montero
Dear KC Montero,
Walang masama magbigay ng opinyon tungkol sa isang bagay na hindi mo naman nararanasan o lubos na naiintindihan. Ngunit dapat muna natin isipin ang magiging reaksyon ng bawat tao na maaapektuhan nito.
Walang Ina ang gusto mabastos. Walang Ina ang mas iisipin ang sasabihin ng iba para sa anak. Walang Ina ang gusto magutom ang anak. Walang mali sa pagpapasuso ng isang anak sa harap ng karamihan. Ang pagkakamali ay nasa maduduming isip na nagbibigay malisya sa Inang nagpapasuso sa harap ng karamihan.
Bilang isang Ina, ang pagpapasuso ng isang anak na nagugutom sa publiko ay nakasanayan ng bawat pilipino at ito ay napakanatural na sa bawat tao. Ang pagpapasuso sa harap ng karamihan ay pagpapakita ng pagmamahal ng isang Ina sa anak. Ito ay isang obligasyon ng isang ina para sa anak. Hindi lahat ng tao ay madali sa pera. Hindi kayang bumili ng gatas para sa anak. Kaya tanging pagpapasuso sa anak ang tanging magagawa ng isang Ina para matustusan ang gutom ng anak. Lahat ng nagpapasusong ina ay kelangan ng respeto na nagmumula sa bawat tao.
Mr. KC Montero, Siguro nga hindi mo nararanasan ang mga bagay na ginagawa ng isang babae/ina. Sana isipin nalang natin na nakatira ka sa isang bansa na laganap ang pagpapasuso sa harap ng karamihan noon at hanggang ngayon. May mga bagay na hindi mo naiintindihan kasi hindi ka ina at tanging ina lamang ang mas nakakaintindi. Kailangan lang siguro ng malawak na pang-unawa at respeto sa bawat ina.

