Sunday, 11 October 2015

MANLILINLANG

          Ito ay nasabi kong isang panlilinlang sa kadahilanan ito ay isang Oath taking Event at pagseselebrasyon ng kaarawan, hindi pagpapakita ng isang kawalang respeto sa kababaihan sa harap ng publiko.

          Bilang isang babae, sana isipin muna natin ang mga bagay na ikakasama ng pagkatao natin. Hindi porket ang trabaho natin ay ang magpaligaya o mang aliw ng mga kalalakihan ay hindi na natin papahalagahan o bibigyang respeto ang ating mga sarili. 

         Nakakasama ng loob para isipin na ang isang naglilingkod sa bayan pa ang nagpakita ng kawalan ng respeto sa isang babae at sasabihin pa na, "walang malisya at depende ito sa appreciation". Maaari para sa kanya ay isa lamang yun show na kaliga-ligaya ngunit sa mata ng karamihan lalo na ang mga pilipino ito ay isang uri ng pambabastos. 


          Walang malisya ito kung hindi sila straight na lalaki at pagsasayaw lamang ang pinapakita ng mga babae. Ngunit isa silang lalaking lalaki na pinapakita pa sa publiko ang iba-ibang aksyon ng kalaswaan gamit ang mga mananayaw na babae. Para kay Rep. Aragao, "hindi siya nasasagwaan", malamang siya ay isang lalaki na humaling na humaling na pinaglaruan ang mga babae sa harapan niya. 


          Ganito na ba ang bagong henerasyon ng pulitika dito sa ating bansa? Pag ganito ang makikita natin sa gustong mamuno sa ating bansa o bayan. Matutuwa ba tayo? Kung hindi natin aaksyunan ang issue na, "tuwad na daan". Hindi lang pagkatao ng mga inosenteng babae ang maaapektuhan kundi pati rin ang magiging pagtingin ng ibang tao, ibang lahi sa mga kababaihan sa pilipinas. 


         Ito ay nasa ilalim ng Obscenity Law, dahil ito ay nagpapakita ng isang sekswal na gawain.


Tuesday, 22 September 2015


 Respeto at Pang-unawa sa bawat Ina


Open letter to KC Montero



Dear KC Montero,


                    Walang masama magbigay ng opinyon tungkol sa isang bagay na hindi mo naman nararanasan o lubos na naiintindihan. Ngunit dapat muna natin isipin ang magiging reaksyon ng bawat tao na maaapektuhan nito.

                   Walang Ina ang gusto mabastos. Walang Ina ang mas iisipin ang sasabihin ng iba para sa anak. Walang Ina ang gusto magutom ang anak. Walang mali sa pagpapasuso ng isang anak sa harap ng karamihan. Ang pagkakamali ay nasa maduduming isip na nagbibigay malisya sa Inang nagpapasuso sa harap ng karamihan. 

                   Bilang isang Ina, ang pagpapasuso ng isang anak na nagugutom sa publiko ay nakasanayan ng bawat pilipino at ito ay napakanatural na sa bawat tao. Ang pagpapasuso sa harap ng karamihan ay pagpapakita ng pagmamahal ng isang Ina sa anak. Ito ay isang obligasyon ng isang ina para sa anak. Hindi lahat ng tao ay madali sa pera. Hindi kayang bumili ng gatas para sa anak. Kaya tanging pagpapasuso sa anak ang tanging magagawa ng isang Ina para matustusan ang gutom ng anak. Lahat ng nagpapasusong ina ay kelangan ng respeto na nagmumula sa bawat tao. 

                 Mr. KC Montero, Siguro nga hindi mo nararanasan ang mga bagay na ginagawa ng isang babae/ina. Sana isipin nalang natin na nakatira ka sa isang bansa na laganap ang pagpapasuso sa harap ng karamihan noon at hanggang ngayon. May mga bagay na hindi mo naiintindihan kasi hindi ka ina at tanging ina lamang ang mas nakakaintindi. Kailangan lang siguro ng malawak na pang-unawa at respeto sa bawat ina. 


Monday, 7 September 2015

Iglesia Ni Cristo against the Government



The Iglesia Ni Cristo (INC) has the rights to express their thoughts, opinions for their religion, but they should respect also the rights of the others. 


Some of the roads along Edsa were closed because f the INC members blocked the roads. People stuck in traffic and choose to walk because of the INC members started marching and showed their support for their rights. Many of the roads were surrounded by the garbage left by the INC members who protests. For them the most important thing is that they had showed what they want to express and what they thing is their right. But they didn't even think that they violating the rights of the others. 



I don't think the Separation of the church from the state was not violated. Because, the government didn't even think that the complaint is against any church or religion. It is against the person. And the Government conduct a preliminary investigation to look for the basic facts. The government concern was the human rights of the person and not to become involved in the church issues. 


The 1987 Constitution of the Philippines declares: The separation of Church and State shall be inviolable. (Article II, Section 6), and, No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights. (Article III, Section 5).


I'm a catholic. I have nothing against the Iglesia Ni Cristo. But I think the issue that they're fighting is not about the religion. It is the human rights of the person. Not even the rally of the Iglesia Ni Cristo can stop the investigation by the government. The INC should know their responsibilities and obligations as a human. They should respect the rights of others. Church issues is for the church. Leader of the church should be the one who will fix the issues. Any internal issues within a church should never be publicized.




Sunday, 28 June 2015

KALAYAAN

Ano nga ba ang kahulagan ng kalayaan sa bawat tao? Ano ang naiintindihan natin sa salitang kalayaan?

Mula sa sanaysay ni A.G Gardiner na "On The Road", ipinahihiwatig ang tamang kahulugan ng pagkakaroon ng kalayaan sa ating sarili, sa kapwa at sa ating komunidad.



           Ang kalayaan ay ang pagkakaroon ng karapatan pang tao kung anong gusto o nais natin gawin. Kalayaan magsalita, Kalayaan mamili, at kung ano pa. Tama man ito o mali? Ito ay karapatan pa rin natin. Pero hindi lahat ng bagay ay Malaya na tayo pwede gawin o pwede magawa. Sapagkat, pwede ito maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng bawat tao. At may batas at responsibilidad pa rin tayong dapat sundin pang tao at sa komunidad. May mga bagay na kailangan isipin bago gawin ang isang bagay. Upang di makasakit at para rin sa ikakabuti ng ating sarili. Matuto tayo tumimbang ng isang bagay o pangyayari.  



         Hindi dapat natin inaabuso ang pagkakaroon ng kalayaan. Ang pag-abuso natin sa ating kalayaan ay maaaring makaapekto sa ibang karapatan ng ibang tao.

          Kalayaan ay kalayaan! Karapatan ng bawat tao ngunit limitado. May responsibilidad na kailangan matutunan at pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Dahil ang kawalan ng disiplina sa sarili, sa kapwa tao at sa ating komunidad ay ang magdudulot sa atin ng masamang epekto. Pahalagahan ang pagkakaroon ng Kalayaan. Isipin at isapuso ang bawat desisyon.