Sunday, 11 October 2015

MANLILINLANG

          Ito ay nasabi kong isang panlilinlang sa kadahilanan ito ay isang Oath taking Event at pagseselebrasyon ng kaarawan, hindi pagpapakita ng isang kawalang respeto sa kababaihan sa harap ng publiko.

          Bilang isang babae, sana isipin muna natin ang mga bagay na ikakasama ng pagkatao natin. Hindi porket ang trabaho natin ay ang magpaligaya o mang aliw ng mga kalalakihan ay hindi na natin papahalagahan o bibigyang respeto ang ating mga sarili. 

         Nakakasama ng loob para isipin na ang isang naglilingkod sa bayan pa ang nagpakita ng kawalan ng respeto sa isang babae at sasabihin pa na, "walang malisya at depende ito sa appreciation". Maaari para sa kanya ay isa lamang yun show na kaliga-ligaya ngunit sa mata ng karamihan lalo na ang mga pilipino ito ay isang uri ng pambabastos. 


          Walang malisya ito kung hindi sila straight na lalaki at pagsasayaw lamang ang pinapakita ng mga babae. Ngunit isa silang lalaking lalaki na pinapakita pa sa publiko ang iba-ibang aksyon ng kalaswaan gamit ang mga mananayaw na babae. Para kay Rep. Aragao, "hindi siya nasasagwaan", malamang siya ay isang lalaki na humaling na humaling na pinaglaruan ang mga babae sa harapan niya. 


          Ganito na ba ang bagong henerasyon ng pulitika dito sa ating bansa? Pag ganito ang makikita natin sa gustong mamuno sa ating bansa o bayan. Matutuwa ba tayo? Kung hindi natin aaksyunan ang issue na, "tuwad na daan". Hindi lang pagkatao ng mga inosenteng babae ang maaapektuhan kundi pati rin ang magiging pagtingin ng ibang tao, ibang lahi sa mga kababaihan sa pilipinas. 


         Ito ay nasa ilalim ng Obscenity Law, dahil ito ay nagpapakita ng isang sekswal na gawain.