Ano nga ba ang kahulagan ng kalayaan sa bawat
tao? Ano ang naiintindihan natin sa salitang kalayaan?
Mula sa sanaysay ni A.G Gardiner na "On The Road",
ipinahihiwatig ang tamang kahulugan ng pagkakaroon ng kalayaan sa ating sarili,
sa kapwa at sa ating komunidad.
Ang kalayaan ay ang pagkakaroon ng
karapatan pang tao kung anong gusto o nais natin gawin. Kalayaan magsalita, Kalayaan mamili, at kung ano pa. Tama man ito o mali? Ito ay karapatan pa rin natin. Pero hindi lahat ng bagay ay Malaya na
tayo pwede gawin o pwede magawa. Sapagkat, pwede ito maging dahilan ng hindi
pagkakaunawaan ng bawat tao. At may batas at responsibilidad pa rin tayong
dapat sundin pang tao at sa komunidad. May mga bagay na kailangan isipin bago
gawin ang isang bagay. Upang di makasakit at para rin sa ikakabuti ng ating
sarili. Matuto tayo tumimbang ng isang bagay o pangyayari.
Hindi dapat natin inaabuso ang
pagkakaroon ng kalayaan. Ang pag-abuso natin sa ating kalayaan ay maaaring makaapekto sa ibang karapatan ng ibang tao.
Kalayaan ay
kalayaan! Karapatan ng bawat tao ngunit limitado. May responsibilidad na
kailangan matutunan at pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Dahil ang kawalan ng
disiplina sa sarili, sa kapwa tao at sa ating komunidad ay ang magdudulot sa
atin ng masamang epekto. Pahalagahan ang pagkakaroon ng Kalayaan. Isipin at
isapuso ang bawat desisyon.
